Tuesday, October 11, 2016

KAIBIGAN


          Ang tunay na kaibigan ay mapagmahal, matulungin at marunong magdisiplina sa sarili. Hindi porket na kaibigan mo siya, makatiwalaan na siya. Kahit ang isang kaibigan ay hindi laging makatiwalaan sa anumang gawain. Kaya, dapat mag-isip talaga ng mabuti kung ano ang tama o mali. Kung mahal mo talaga ang mga kaibigan mo, paano mo gagawin yan?


         Ang pagmamahal ng isang kaibigan ay mahalaga sa atin. Lahat tayo may kaibigan pero hindi lahat ng kaibigan mo ay mabait. May kaibigan din na makadudulot ng masamang pag-iimpluwensya sa atin. Gaya ng sinabi ko, hindi lahat ng ating kaibigan ay makatiwalaan. Ang mabuting dulot kapag mabait ang kaibigan mo ay lagi kang tutulongan sa mga anumang gawain na ikaw ay nahihirapan at hindi ka iniiwan.
            Ang isang kaibigan ay dapat marunong magbigay, magmahal, at responsable. Kapag hindi, madudulot ito sa masasamang epekto sa ating buhay. Kaya, dapat wais tayo sa pagpili ng ating kaibigan at pumili ng isang kaibigan na nagsisikap para sa kanilang ambisyon sa kanilang buhay.

POLUSYON


          Ang polusyon ay isa sa mga dahilan na bakit unti-unti nang nawala ang ating mga likas na yaman dito sa Pilipinas. Paano natin solusyonan ito? May mga iba't ibang paraan upang maiwasan ang polusyon..

  • Huwag magtapon ng basura kahit saan at ilagay ang mga basura sa tamang lugar.
  • Magtanim ng maraming puno.
  • Maging responsable sa sarili.
  • Mag-isip ng mabuti kung ano ang bagay na mabuti at makasira sa ating kalikasan.
      May 3 uri ng polusyon:

  •  POLUSYON SA LUPA 
  • POLUSYON SA TUBIG 
  • POLUSYON SA HANGIN 
                                                                                                                                            
Sa larawang ito, isa ito sa halimbawa ng POLUSYON SA LUPA. Ito ay ang dahilan sa pagtatapon ng mga basura kahit saan. Masisira ang mga pananim at ang paligid. Isa din dito ay ang pag putol ng mga puno. Para iwasan ito, dapat maging responsable lang tayo sa sarili.






    Ito naman ay isa sa mga uri ng polusyon. Ito ay ang POLUSYON SA TUBIG. Ang dahilan dito ay ang pagtatambak ng mga basura sa tabi ng ilog. Bunga nito, mamamatay ang mga yamang tubig at mawalan tayo ng mga pagkain.







Ito ang panghuling uri ng polusyon. Ito ay ang POLUSYON SA HANGIN. Ang polusyong ito ay makakadulot ng iba't-ibang sakit tulad ng ubo, sipon at iba pa. Ito ang tawag sa pagiging marumi at pagkakaroon ng hindi kaaya-ayang simoy ng hangin dahil sa mga usok na lumalabas sa mga sasakyan, mga pabrika at pagsusunog ng goma at basura at sa paninigarilyo.