Ang tunay na kaibigan ay mapagmahal, matulungin at marunong magdisiplina sa sarili. Hindi porket na kaibigan mo siya, makatiwalaan na siya. Kahit ang isang kaibigan ay hindi laging makatiwalaan sa anumang gawain. Kaya, dapat mag-isip talaga ng mabuti kung ano ang tama o mali. Kung mahal mo talaga ang mga kaibigan mo, paano mo gagawin yan?
Ang pagmamahal ng isang kaibigan ay mahalaga sa atin. Lahat tayo may kaibigan pero hindi lahat ng kaibigan mo ay mabait. May kaibigan din na makadudulot ng masamang pag-iimpluwensya sa atin. Gaya ng sinabi ko, hindi lahat ng ating kaibigan ay makatiwalaan. Ang mabuting dulot kapag mabait ang kaibigan mo ay lagi kang tutulongan sa mga anumang gawain na ikaw ay nahihirapan at hindi ka iniiwan.
Ang isang kaibigan ay dapat marunong magbigay, magmahal, at responsable. Kapag hindi, madudulot ito sa masasamang epekto sa ating buhay. Kaya, dapat wais tayo sa pagpili ng ating kaibigan at pumili ng isang kaibigan na nagsisikap para sa kanilang ambisyon sa kanilang buhay.


